"9 days na lang " todo ang ngiti ni Yannang sumagot.
"Akkaw, 9 days baga? De halatang excited."
(Date ang tinatanong, countdown ang sagot...hahaha)
730am Thursday pa ang flight namin.
Tuesday na ...at may bagyong parating sa Taiwan. Sasapol daw ang isang super lakas na super typhoon sa kanila... (yayks!)
Promo seats ang peg ng team na to... lagot na pag nagkataon😀
Wednesday na ng umaga ... umiiwas na ang bagyo sa Taiwan.... sabi sa Accuweather... WINDY daw sa Taiwan...ma cancel kaya ang flight namin dahil sa wind?! (may goolay! May halong anxiety and dulot nito.)
Dyan ang punta namin, katabi ng trajectory ng super typhoon. |
Wednesday ng hapon... nag Viber ang aming tour guide from Taiwan... may unting ulan lang daw... no flight cancellation... bring umbrella... ( Twittweeew, totoo na to, matutuloy na kami!!!)
Dalawa na lang ang tanong...(1) hanggang beywang ba ang baha sa metromanila...😯 ... (2) kelangan bang languyin ang airport?
Swerte pa din!!!! Walang hassle.
Ang aga namin, papasok pa lang ang PAL crew. |
Taiwan, pa dating na kame😀
Pag touch down... walang ulan pero makulimlim. Di kailangan mag payong at rain coat...awwright!
Picture agad agad...simulan na ang 3500 picture each goal.
14 kami. Pag bumulong si jesse ng "group picture" ...alam na this, start ka rin magpo-pose. Mahirap mawala sa picture.
Kumain Kami agad ng lunch. Special: Gansa at Noodles. Yun lang ang tinda nila...Masarap!
Gansa |
Noodles |
Dalawang salin ng MRT bago nakarating dun. (hindi kami sinamahan ng tour guide... binasa lang ni Jesse at Zea ang Map ng MRT) ... Tamang Adventure 'to!!!...(basta ako... di ako hihiwalay sa kanila...SWEAR!)
MRT |
Nadaanan namin bago sa Shilin. |
Kumain kami ng pagkain sa mga gilid gilid.
Octupus feet |
Tart |
Marshmallows |
Shaved ice with mango |
Tunay na taiwan siomai... |
Masaya, bubbletea talaga ang affordable... sabi ni baby girl, "Yan din lang yung tinitinda sa may Katipunan..." Ngumiti ako at sumagot..." Paniguro, made in Taiwan ito, at yung sinasabi mung bubble tea naman ay made in Katipunan" hahaha...ang tamis.
First day, Uwian na pag tapos ng night market na ito... at ayon sa Samsung S health 27,000 steps ang nagawa ko...wheeew, muntik ko nang mapabilib ang sarili ko sa layo ng nakayanan kong lakarin...
Pero walang tatalo kay Tita and Tito ...kayang kayang makipagsabayan sa buong team...sila ang tunay, walang halong biro... ang lakas, pang Superhero.
Amazing |
"The journey that'll change your life." |
Huy, group picture... |
National Palace Museum naman ang next. Kailangang may headphones ang bawat isa at kailangan ding sundan ang tour guide flag kundi... mawawala kami...
Naka headphones kaming lahat |
Mga pre schoolers...It's never too early to learn about a nation's pride and heritage. |
Ang daming laman ng museum... kulang ang blog ko sa dami ng artifacts... Madami ding turista.
Isa sa highlight dun ay ang Jadeite Cabbage...(hindi ito pang Jedi Knight ng Star Wars ) Ito ay isang jade na pechay (pechay baguio or wombok ba, to be exact) na may dalawang tipaklong sa ibabaw... May attached na Imperial tragic love story and symbolic meaning yata kaya ang daming taong tumitingin..LISTEN!
Taken from the internet |
Picture ko. Maliit pala. Cute, di ba?. |
Sa dami ng descriptions ,ang natatandaan ko lang sabi ni Peter the tour guide ay.... LISTEN!!!! Tsaka... if you need a toilet....hahaha....picture pa more..
Sa National Palace Museum ang maririnig mo... Dynasty, War, Victory, Defeat, Imperial army, Emperor, Empress, Princess, Prince, Dowry, Concubine, Betrayal, Gifts, Tragedy ...maayos din lang yung tour guide namin , sa narration nya mararamdaman mo ang kanyang deep nationalistic pride ,at, ang ka partner nung hostility towards mainland China ... LISTEN!!!...
Tapos, Chiang Kai-shek Temple naman.
Chiang Kai-shek |
The Changing of Guards |
Jesse with the gwapong guard...Song Joong-ki...ikaw ba yan ?! |
The Garden |
The Gate |
Eto,Carenderia Moment namin;-) |
Night Market uliiit, yey, Ximending naman. Tapos, bukas na ulit.
Next, Coastal naman kami. Sa beach kami pupunta...WOW... beach talaga.
Magdala daw kami ng hat, umbrella and sun glasses, "It's going to be sunny and hot where we are going" sabi ni Peter.
Kaso, imbes na sunblock ang nasa bagahe ko...pambihira... Off lotion pala... paniguro di ako lalamukin dun!! hahaha
Geopark pala ...kaya mainit talaga.
Maraming Bato... iba't ibang shapes.
Para sa gustong magpapicture, pero ayaw mainitan...Aircon sa Information/ souvenir shop area, may kasamang ibon pa sa back ground. |
Meron pang ibang food, kaso gutom na kaming lahat, inuna na naming kainin bago ma picturan.
4 ang birthday celebrants namin for September... binigyan kami ng libreng Cake...wow...
Ang sarrap...lalo na...libre eh.
Nag punta rin kami ng isang temple...
We made wishes with Sky Lanterns at Ping Xi Station. (Pero , secret... to make your dreams come true ...it is done somewhere else... somewhere called, the WORKPLACE...haha...work,work, work)
There goes my 150NT$ |
Last Stop before we called it a day... Old pineapple pastries bakeshop... Kyo Yuan Ye Foods.
Mahal...pero sulit at locals buy them too (masarap talaga) |
Tapos... nadaanan namin 'to...na feature ni Jessica Soho... kaso walang pila, walang tao... Pass muna...
And , don't forget...
Or sa parehong presyo...
Fruit flavored popsicle... Winner ka dito. |
May mga street performers...
The following day, just before heading to the airport...nag side trip kami sa Grand Masonic Lodge of China, Zhongshan District... nag MRT kami..
Hahaha... good luck sa pag babasa...
Goodnews din... nakita nila... medyo malayo lang nilakad nila...(Pag gusto mong makita at mapuntahan... magagawa mo talaga...ang galing, di ba?... pero siyempre, may mga tao... next lifetime gagawin ang pangarap nila... good luck pa din sa kanila...mwahhh.)
Pero...
Eto na...eto na talaga...
balitang ng mga balita.
Yung bagyong umiwas sa Taiwan...
Tumama na ng Japan ...
Naku, lagot, sa Japan manggagaling ang airplane namin pauwi ng Pilipinas...
Naloko na... ma cacancel ba ang flight namin? Yayyyyykkkks!!!!
(Kung cancelled ang flight namin, "Pwede pa kaya tayong mag Taipei Zoo?, MRT lang naman din yun di ba? Mga bata, kakayanin pa ba natin 'to?" tanong ko sa mga bata... Pakunot ang noo at pailalim ang tingin, ngunit mahinahong sumagot sa akin..."Mommy, mag intay muna tayo sa sasabihin ng PAL!")
(Wow, mga high blood...)
Nag iintay ng balita |
Basang sisiw moment... pero busy sa pag upload ng picture...taray. |
Cancelled talaga 😓...lilipat ng hotel yung malapit sa airport na...
Mukha bang may gusto ng maghalupasay para umuwi?! |
Ang totoo...Gutom na kami... kakainin nanamin ang mga pasalubong namin...
Gigantic yakult equivalent |
Almond cookies, ang sarap |
Pero dahil Birthday ni Jaa... dinner blow out... yehey...todong swerte na 'to.
Happy birthday Jaa... May you live a thousand years, a thousand years.
Second time at the airport. |
Pero alam nyo?!...
or sa
Pag love mo ang kasama mo...
OK lang...
Hanggang sa susunod na adventure...
Xie Xie !!!
Thank you = shie shie = 謝謝 = Salamat ...sa pagbasa at g+!
note:
The trip was September 14 to 18, 2017.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento