Sabado, Pebrero 7, 2015

CAH or Congenital Adrenal Hyperplasia Explained in Tagalog


Ang tagal bago ko napag desisyonang isalin sa tagalog ‘neto… super hirap mag translate!

Define muna natin.


 Congenital- ang ibig sabihin nito ay nandyan na mula nung ipanganak, sa terms ng matatanda, napagkasiputan, or, the best definition, ito ay in-born.
 Adrenal gland- ito ay isang organ na matatagpuan sa ibabaw ng kidneys. Ito ang gumaganap upang magbigay ng hormones na kinakailangan ng katawan para sa normal function. Ang mga hormones na lumalabas sa adrenal glands ay cortisol , aldosterone at androgen.
Hyperplasia- sobrang laki.
Enzyme- substance na gawa ng isang organ at nagsisilbing kontrol at tagapagdaloy ng isang espisipikong reaksiyong biyokemikal. O Ito ang substance na nagreregulate ng paglabas ng hormone

Hormones ay chemicals na nagbibigay ng hudyat or signal sa isang organ o tissue para gumawa ng eksaktong action.
Ano ang CAH or Congenital Adrenal Hyperplasia?

Ito ay  isang hereditary o minamanang sakit na nadyan na mula pagkapnganak.

Ang adrenal glands ay nag tratrabaho ng mas mahirap sa pagtangka nitong magproduce ng kinakailangang hormones. Dulot nitong over working ay hyperplasia o nagiging sobra ng laki ang glands.


Ano ang Dahilan or causes ng CAH?
Bakit ito nakakatakot?

sa susunod na post ;-)


Dahilan or CAuses ng CAH - Congenital Adrenal Hyperplasia  is a related post.












Walang komento: