Huwebes, Mayo 2, 2013

G6PD Deficiency Tried to be Explained in Tagalog





"Totoo po ba matalino ang mga batang may g6pd deficiency?" , ang tanong sa akin ni Lola. Dala ni lola ang dalawang apo nyang parehong may g6pd deficiency para mag pa check up ng ubo.


"Sino naman po ang nagsabi sa iyo ng ganyan?" (chuckle...lola, sino man ang nag sabi sa iyo na nakakatalino ang may g6pd...me sira ang ulo...)



"Ikaw po doctora..." (muntik na akong humalakhak...eh, ako naman pala ang may sabi eh) Nakangiti si Lolang nagsasabi. Malumanay syang mag salita, pero ang genuine concern ang dahilan ng kanyang pagtatanong.






"Nayks, Lola, na lost in translation siguro tayo...Di lang po tayo nagkaintindihan nun" ang bawi ko. "Malamang ang sabi ko ay...ang batang may g6pd ay hindi magkakaroon ng malaria." ang dagdag ko.



"Eh di doctora maari lang pala silang manirahan sa malayo... sa kasiguran" dagdag ni Lola.



"Malamang po" ang mabilis kong sagot.



"Eh doctora ...ano ba talaga ang ibig sabihin ng g6pd deficiency? May problema po ba sila sa puti ng dugo?", naiinip na si Lola.



 "Wala silang problema sa puti ng dugo ,pero, sa pula, meron. At wala rin itong relasyon sa leukemia at lahat ng cancer sa dugo. Ang g6pd deficiency ay  enzymatic o sa enzyme sila may problema.Tapos, may mga gamot , pagkain at situation na nagiging sanhi ng pagputla nila, kaya dapat iwasan ang mga yun."



"Oo nga doctora. Pero ano ang tagalog ng enzyme o enzymatic, ano ba talaga iyan?" ang giit ni Lola. Gusto kasi ni Lola ipaalam sa mga kumare nya ang kondisyon ng mga apo nya at gusto rin ni lola na makapag educate ng may hindi alam.



( Inisip kong mabuti...papaano ko nga kayang eexplain ito... eh ang filipino as a language ay di nakaabot ng cellular level...walang ngang translation ng mitochondria among other things tapos...eh itong g6pd ay beyond cellular level...it's biochemical...hmmmm...)



 "Errrr...eerrrr...wala pong direct tagalog translation...english po lola..." ang mapagkumbaba kong sagot. (lost for words ang tawag sa 'kin...kung isang wise ass lola with the highly urban attitude ...pano- nose bleedin ko sya sa tindi ng explanation in english... kaso...si lola ay super bait...at genuinely concerned sa apo at kelangan talaga ng tunay na explanation)



"Kasi doctora ...sinasabi nila bakit bawal ang ampalaya... eh gulay yun... masustansya...at nakakadagdag ng pula ng dugo... ang sabi ko naman...enzymatic ang dahilan...ano po ba enzymatic?, tinatanong ng mga kumare ko. "



(Naloko na, paulit- ulit na lang ito...translation ang tunay na problema...research lamang ang kasagutan.")


"Lola, sa pag follow up mo sa akin next month, I swear...me explanation na ako para sa 'yo..." pangakong sabi ko.


So, pagkatapos ng ilang linggo...ito na ang explanation at translation...hanggang sa makakayanan ko.



Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino 2010 edition by Virgilio S. Almario, et al. 

enzyme- (én·zaym): substance na gawa ng isang organismo at nagsisilbing kontrol at tagapagdaloy ng isang espisipikong reaksiyong biyokemikal


(Pag 'yan ang sinabi kong definition kay Lola...magagalit sya sa akin, sasabihin nya sa akin, ako ay ubod ng yabang at mapagmataas...dahil ...mas naging mahirap intindihin ang simple nyang tinatanong.)


Ano ang G6PD deficiency?


Kailangan po nating malaman na ang g6pd ay isang uri ng sangkap sa dugo na ang tawag ay enzyme. Ang enzyme na ito ay nakasama sa loob ng bawat cell ng tao.


Ang g6pd enzyme ay kasangkot sa pag gamit natin ng carbohydrate bilang enerhiya. Ito rin ay may importanteng papel sa red blood cells, sapagkat, nagbibigay ito ng proteksyon sa red blood cells upang hindi sila madaling masira.


Kung may kakulangan sa g6pd ang isang tao, ang red blood cells  ay hindi kayang proteksyunan ang sarili nila sa maagang pagkasira dulot ng reactive oxygen.


Ang mataas na level ng reactive oxygen ay nakukuha naman sa pakakalantad sa infection, ilang uri ng mga gamot at ilang uri ng pagkain. 


Kung ang g6pd deficient na tao ay nalantad sa ganyang sitwasyon, napapabilis ang pagkasira ng red blood cells... na mas maaga kaysa  kaya ng katawan na palitan sila.


Dulot nito sumasabog ang red blood cells at sumasailalim sa maagang breakdown ( or hemolysis).


 Ang pagkaubos ng red blood cells sa katawan ang magbibigay ng mga senyales at sintomas ng hemolytic anemia na katangian naman ng g6pd deficiency.


Sana nakatulong sa inyo! 



Sana maexplain ni lola sa kumare nya ;-)





Maari nyo rin basahin ang
G6PD deficiency para sa karagdagang information (English nga lang.)



Best milk in the Philippines
Related Posts:



G6PD deficiency



My First Home, My Second Home

Helpful Parent Behavior


















References:
http://en.wikipedia.org/wiki/
http://ghr.nlm.nih.gov/
V.S. Almario et al, UP Diksyonaryong Filipino, Quezon City: Anvil, 2010



Walang komento: