Linggo, Disyembre 21, 2014

Mag Papasko nung Nawala Ka



Na announce na ng director ng hospital ang schedule ng party December 19 Miyerkules.

Malakasan na ito.  Maraming imbitado, may mga papremyo, may best decoration contest na, may sing and dance contest pa, tapos, mag lelechon pa. Todo na talaga ‘to.

Sana makabunot ng electric fan man lang sa raffle.

Ang lahat ay masaya. Nagpractice na ng kanta at sayaw ang mga grupo. Mahirap maging kulelat sa contest na ito.



            May mga nagdadagdag ng mga decors. Kumukutitap pati mga pasilyo, pati na ang hardin.

Festive ang dating ng araw na ito. Nakangiti ang mga tao. Ang saya talaga. Merry Christmas ang bati ng lahat ng makasalubong.

PERO...



Pero nakita ko si kuya Mel, ninenerbyos. Di nya malaman ang gagawin. Kailangan na n’yang sabihin kay dr enriquez ang tunay na nangyari. Walang silbing patagalin pa nya. Dapat na n’yang sabihin sa administrador.

Malamang mabulyawan sya. Malamang masasabihan sya ng “Putang ina, anong nangyare? Bakit nagyari ito? Ano ba ang pinaggagawa ninyo?” Ano pa man ang galit, mura o sasabihin, kailangan pa rin nyang sabihin at tanggapin ang kakahinatnan…shet, ang hirap talaga.

Di ko pa nakitang nagalit yung taong yun, pero baka dahil dito…ma first time si kuya Mel… makatakot talaga.

Paru’t parito si kuya Mel…pinagpupusan.

Lumapit na si kuya Mel kay Doc.

“Doc, sasabihin ko lang pu sana sa iyu, nawawala pu ang… baboy na lilitchonin.” Bigkas ni kuya Mel. “Hinahabol na pu nila. Hanggang sa likod pu ng NE grocery natakbo ang baboy. Pati si manung fishball, ang magkakatay ay kasama na sa mga naghahanap.” Dadgdag ni kuya Mel.

Napabuntong hininga lamang si dr enriquez. “Sige, ipagpatuloy nyo ang paghahanap.” Ang sabi lang nya.


           Sina kuya Meinard, kuya Dondon,  at iba pang tricycle drivers na nakaparada sa tapat ng hospital ay sumama na din daw sa paghahanap. Mukhang malawakang search and rescue na 'to.

Pumasok si doc sa loob ng office. Naka upo  sa may sofa ang misis nya na nagbabasa ng wish list.

“May bad news.” Ang anunsyo nya. Tumigil sya ng kaunti ,at nag patuloy, “Nawawala ang baboy. Nakawala daw.”

         Nakakatawa sa isang banda, pero walang tumatawa. Major dilemma ang tawag dito.

“Ang problema ay kung kakasya pagkain mamaya sa party.” ang sabi ni dr enriquez.

“Kung kelan naman iluluto na lang, at tsaka naman nawala ang baboy na lilichonin.” May panlulumo sa mga boses nya.

Lumabas sya muli at sasabihin daw nya sa director…ke doctora ang pangyayari.

Macancel kaya ang party? Na imagine na ng lahat ang pagtikim sa letchon na iyun. Ang sarap ng bagong lutong letchon, mataas man ang presyon o cholesterol mo.

Nagsimula ng umugong ang balita, natakas ang baboy, may nagtago na daw sa baboy kaya di na makita ng mga tauhan na naghahanap. Malamang may ibang maghahanda na ng lechon sa party ng iba. Ang isang tsismis pa nga pinakawalan daw talaga iyun para makidnap at ipatubos. At may tsismis pa na may kasapakat sa nagpakawala para tirahin ang baboy sa paglabas.

May nagsabi naman na baka hindi pa handa ang baboy sa kanyang kapalaran.

Isa- isa ng nalulungkot ang mga tauhan… “Ano ba naman ‘yan! Magpapasko…” Nagbubulungan na sila.

Mayamaya, pumasok ang director sa office. Diretso angat ng telepono, pinindot niya ang buttons para mag dial.“Hello, Minda. Anong nangyare sa baboy?...Eh yung baboy ko?”…nag usap pa sila tungkol sa mga baboy…Aba’y, dalawa pala ang baboy…

Baka dalawang baboy pala ang nawawala, di lang pala alam, or baka, isa lang ang nawala, pwede nang litchonin ang natitira...hmmm...di natin alam

Ibinababa ni doctora ang telephone. Ang sabi nya, pupuntahan nya ang mga tao sa dietary. Gusto nyang malaman bakit nangyari ito, at kung may nangyari pa sa isang baboy…full scale investigation na ito. Kailangan na kaya naming ipa blotter sa mga pulis… tapos ipahanap sa Baler SWAT team?

Two oçlock pm na, dalawang oras nang nawawala ang baboy…hopeless na ‘to. 600pm ang simula ng party.

Dumating si kuya Atong, isa pang maintenance personel. Sumama sa paghahanap.

May biglang  dumating na tseke. Wala ng deliberation,” Ibili lahat iyan ng liempo.” Ang sabi ng administrador with finality. Hindi daw pwedeng may magutom.

430 ng hapon, apat na oras nang nawawala ang baboy.

Myamya…Nakita na daw ni kuya Atong, nakasiksik sa isang lugar dun sa may gilid ng NFA.

Yipee!

“Ay tutuo? Nakita na?” ang tanong ni Dra Jesse. Pupuntahan at pipicturan daw nya.

Mukhang matutupad ang inaasam ng lahat. Lechon sa Pasko.
 


Tuwang- tuwa si kuya Mel, lalo na si Manung fishball, ang magkakatay sa baboy...muntik ng mapurnada ang sideline nya nitong pasko.
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 

 Maligayang Pasko
at
Manigong Bagong Taon!
 
 

Walang komento: