Tipus ang tawag sa typhoid fever. Ang ibang tawag nito sa English ay gastric fever, abdominal typhus, infantile remitant fever, slow fever, nervous fever at phythogenic fever.
Ang typhoid ay isang sakit na laganap sa buong mundo. Ito ay isang uri ng bacterial infection. Nakukuha ito sa pagkain o pag inom ng mga contaminated ng dumi/tae ng taong mayroong bacteria na Salmonella enterica enterica. (So, makukuha mo lamang ito kung nakakain ka ng food na iginayak ng taong hindi naghugas ng kamay pagkatapos pumunta sa banyo, o kung ang septic tank ay nag le-leak patungo sa pinagkukuhanan nyo ng tubig, o kung kumakain ka sa barbequehan sa kanto na di ka nakakasiguro sa kalinisan ng preparasyon ng pagkain...yang last ang paborito ng mga bata...dos na juice sa labasan ng school.)
Senyales at Sintomas ng typhoid fever:
1. fever (syempre)
2. panghihina (malaise)
3. sakit ng ulo
4. masakit na tiyan
5. pagkawala ng ganang kumain
6. pagkatibi o pagtatae (constipation or diarrhea)
7. rose colored spots sa may dibdib
8. malaking atay at spleen (hepatomegaly)
9. deliryo (delirium)
Malalang senyales at sintomas ng typhoid
10. Pagdurugo ng mga bituka (Intestinal hemorrhage)
11. Pagkabutas ng bituka (Intestinal perforation)
12. Malalang infection sa dugo/ "pagkalason ng dugo" (Septicemia)
13. Infection sa utak (Encephalitis)
14. Kumakalat na infection (Metastatic abscesses) mukhang di magka match yung translation pero limitado ang vocabolary ng tagalog pagdating sa medicine;-)
Ang mga sintomas ay kadalasang unti unting nagsisimula 1-3 linggo pagkatapos ng intake ng contaminated na pagkain o tubig.
Ang mga tests para malaman kung may typhoid fever ang isang tao ay
1. body fluid culture (ito ang itinuturing na gold standard ng diagnostics)
2. widal test (luma na,at ipinapayong gawing pagkatapos ng isang linggong lagnat)
3. rapid test (o typhidot atbp.)
Ang paraan upang maiwasan ay SANITATION at HYGIENE. At sa tagalog...KALINISAN sa paligid at sarili.
Hindi nagkakaroon ng typhoid ang mga hayop at insekto,kaya, di talaga pwedeng manggaling sa lamok o sa dumi ng baboy ang typhoid. Human to human lang ang pagsalin ng sakit na ito. Sa mga healthy carriers o mga taong patuloy na nagdadala ng typhoid sa katawan nila pero walang anumang nararamdaman o nagpapakita ng mga sintomas, sila ay hindi nararapat magtrabaho as food handlers o humahawak ng pagkain lalo kung para sa nakararami.
May bakuna na available upang maging protektado laban sa typhoid fever: Typhoid poplysaccharide vaccine. (Binebenta bilang Typhim Vi ng Sanofi Pasteur at Typherix ng GlaxoSmithKline). Sila ay makapagbibigay ng 50% to 80% protection. Sila ay maaring ibigay mula 24 months old na bata hanggang matanda. Kailangan ng booster shot every 2 years.
Ang lunas ng typhoid ay tamang klase at dose ng antibiotics.
Kadalasang tanong sa akin ng magulang na nag research na sa internet bago pa magtanong :
"Malala ba ang anak ko?"
Sagot ko:
"Kadalasan ng typhoid fever ngayon, maaga ang diagnosis o nasa early phases pa lang ng sakit na dedetect na, dulot nito, nakapagbibigay na ng tamang gamot sa pinaka maagang panahon. Kaya naman, ang hospital stay ng mga bata ay napapaiksi at naililipat sa iniinom na gamot na lamang at kinukumpleto na lamang sa bahay...pero syempre, may ilan pa ring mga kaso ang mahirap gamutin kasi komplikado na. (Sana hindi anak mo yun!) "
Related Posts:
Nightmares and Night Terrors |
Pneumonia: When Breathing Means Thriving |
Consent or Waiver |
Newborn Reminders |
Reference:
http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoid_fever
http://www.who.int/topics/typhoid_fever/en/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento